Ni KATE JUSTINE CABLAS
Mag-isa niyang
binabagtas ang daan pauwi sa pinaka-unang pagkakataon, wala na nag dating
halakhakan at kulitan na nagbibigay sigla sa kanya. Tanging ang nakakabinging
katahimikan ang naghahari sa kaibuturan ng naluluksa niyang puso.
Nag-uunahan sa pagdaloy
ang mga likidong kristal mula sa maaamo niyang mata at kasabay nito ang
paggunita niya ng araw nang ito ay nagpaalam sa kanya.
Kring. . . . .kring. .
. . .kring. . . . .
Uwian na at sabik na
sabik siya sa pagkakaalam na may sasabihing importante sa kanya ang matalik
niyang kaibigan. Agad niya itong hinanap sa hindi mahulugang karayom na mga
estudyante na naglalabasan sa kanilang unibersidad. Palinga-linga pa siya nang
marinig niyang may tumawag sa kanya, nakilala niya agad ito, ang matalik niyang
kaibigan.
“Hoy! Keena! Ano na
‘yung sasabihin mo sa akin? Tungkol ba sa crush natin? Wala ba talaga siyang
girlfriend?” putak niya agad dito. Ngunit napipi ito, ni isang salita ay walang
sumungaw sa mala-rosas na labi nito. Agad siyang nabahal, hinatak niya ito mula
sa nagkukumpulang estudyante papunta sa hindi mataong lugar. Doon niya ito
kinausap ng masinsinan at inusig kung ano ang bumabagabag dito.
“Nagdadalang tao ako!”,
ang umalingawngaw na sagot nito sa kanya. Hindi niya lubos maisip na ang
matalik niyang kaibigan ay mayroon nang dinadala sa sinapupunan nito. Mayroon
pa itong gatas sa labi at walang kamuwang-muwang sa buhay. Ano pa kaya kung ito
na mismo ang may ibinubuhay?
“Pasensiya ka na at
hindi ko natupad ang pangako natin na magtatapos muna bago ang ganitong
kabaliwan. Tatapusin ko na lamang ang semestreng ito at hihinto na muna ako sa
pag-aaral. Doon na lang muna ako sa probinsya.” , at saka siya nito linisan.
Malayu-layo na rin ito nang kanyang lingunin, ngunit hindi niya magawang
habulin dahil animo’y napako siya sa kanyang kinatatayuan.
Natapos ang unang
semestre, hindi niya nakita ni anino ng matalik niyang kaibigan. Siguro ay
talagang pumirmi na ito sa probinsya tulad ng huling pahayag nito sa kanya.
Ngunit araw-araw pa rin siyang pumupunta sa aklatan upang tingnan kung nandoon
ito, tulad na lamang ng ginagawa nila noong ito ay nag-aaral pa. Gustong-gusto
niyang makita ito, mahawakan at mayakap. Nais niyang magkwento dito ng mga
kaganapan sa kanyang buhay tulad ng dati nilang ginagawa, ngunit napailap ng
tadhana. Talagang wala na ito.
Peep. . . . Peep. . .
.Peep. . . .
Nanumbalik ang kanyang
ulirat. Nasa gitna na pala siya ng kalsada at muntik ng mabundol ng
nagmamadaling jeep. Dali-dali siyang naglakad papunta sa gilid ng kalsada at
nang lingunin niya ang jeep ay meron siyang nakitang buntis na sakay nito, kaya
pala ito ay nagmamadali. Lalakad na sana siya nang meron siyang naalala na
pamilyar na mukha, ang babaeng buntis na sakay ng jeep,
“Keena?! . . . . .”
Practical! Marami ang makakarelate sa kwentong ito. Masarap abangan... :)
TumugonBurahinHahahaha. Totoong kwento kasi :))
TumugonBurahin